Desisyon ng SC sa quo warranto petition, hihintayin ng Kamara bago pagtobohan ang impeachment complaint ni ni CJ Sereno

by Radyo La Verdad | March 7, 2018 (Wednesday) | 2081

Hihintayin ng Kamara ang magiging desisyon ng Korte Suprema sa quo warranto petition bago pagtobohan ang impeachment complaint ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa plenaryo.

Ayon kay House Majority Floor Leader Rudy Fariñas, kapag nai-refer na sa plenaryo ang articles of impeachment, base sa panuntunan, hanggang ika-31 ng Oktubre sila para tapusin ito.

Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, mahalaga na malaman muna kung balido ba ang pagkakatalaga kay Sereno bilang chief justice dahil ang impeachment proceedings ay para lamang sa opisyal ng pamahalaan na validly appointed.

Pero ayon kay Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano, ang desisyong ito ng liderato ng Kamara ay nagpapakita na hindi mabigat ang kanilang mga edibdensya laban kay Sereno.

Ayon naman kay Albay Rep. Edcel Lagman, dapat igiit ni Sereno na mag-inhibit ang pitong SC asssociate justices na bumoto para utusan si CJ Sereno na mag-indefinite leave.

Anim umano dito ay humarap din sa impeachment committe kaya hindi daw sila magiging patas sa kanilang pagdedesisyon.

Sa nagiging takbo ng pangyayari laban kay SC Sereno, nakikita ng grupo ang pagkakaroon ng sabwatan sa pagitan ng Kamara at ilang SC Justice pero tinanggi naman ito ni impeahcment committee chairman Reynaldo Umali.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

Tags: , , ,