Nakikipag-ugnayan na ang Department of Education (DepEd) sa Commission on Elections (Comelec). Kaugnay ito sa proseso ng distribusyon ng honoraria sa mga guro na magsisilbing board of election tellers sa halalan.
Nakasaad sa Election Service Reform Act na hindi maaaring tumagal ng higit sa 15 araw pagkatapos ng halalan ang pagbibigay ng honoraria sa mga guro.
Ayon kay DepEd Administrative Service USEC Alain del Pascua, maaari rin na hilingin ng DepEd na taasan pa ang honorariang matatanggap ng mga guro lalo na sa mga maitatalaga sa areas of concern at election hotspots sa halalan.
Samantala, plano ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hilingin sa Comelec na magtakda ng extension ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa mga lugar lamang na walang nagsumite ng kadidatura para sa SK elections.
Nguni’t sakaling hindi ito pahintulutan ng Comelec en banc, bubuo ang DILG ng Local Youth Development Office (LYDO) sa mga lugar na walang mahahalan sa Sangguniang Kabataan (SK).
Nakapaloob sa Sanguniang Kabataan Reform Act of 2015 ang probisyon sa pagbuo ng LYDO.
Sa huling tala ng Comelec, umabot sa 418, 906 ang nakapaghain ng COC para sa SK elections.
Ayon sa Comelec, sasapat na ang bilang na ito para mapunan ang kailangang 338, 583 SK positions na pagbobotohan sa bansa.
( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )
METRO MANILA – Inanunsyo ni Commission on Election (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na handa nang i-deliver ng South Korean firm na Miru Systems ang 110,000 Automated Counting Machines (ACMs) na gagamitin sa darating na 2025 mid-term election.
Sa pahayag ni Comelec Chairman Garcia, kontento ang komisyon at hindi sila nagkamali sa pagpili sa Miru bilang provider ng automated system para sa darating na eleksyon.
Noong nakaraang February 22, 2024, iginawad ng Comelec ang Full Automation System with Transparency Audit/Count (FASTRAC) na proyekto sa joint venture ng Miru Systems Co. Ltd., Integrated Computer Systems, St. Timothy Construction Corporation, at Centerpoint Solutions Technologies Inc.
Nagpasalamat din si Garcia sa South Korean company sa pagpapakita sa Comelec team kung paano ang manufacturing ng ACMs.
Tags: COMELEC, Miru SYstem
METRO MANILA – Muling pinag-iingat ng Department of Education (DepEd) ang publiko laban sa kumakalat na pekeng post tungkol sa umano’y cash assistance na ibibigay sa mga graduating student.
Sa isang mensahe nilinaw ni DepEd Undersecretary Michael Poa, na walang ganitong programa ang ahensya at pinayuhan ang mga magulang at estudyante na huwag magbibigay ng anomang personal na impormasyon sa mga ganitong klase ng post.
Nakasaad sa fake advisory na makatatanggap umano ng P8, 000 na cash aid ang mga graduating student mula elementary hanggang college level.
Ayon sa DepEd hindi dapat paniwalaan ang naturang post, at pinaalalalahanan ang mga magulang na mag-ingat upang hindi makompromiso ang kaligtasan at kapakanan ng kanilang mga anak.
Tags: DepEd, Fake Cash Assistance
METRO MANILA – Hinimok ng Department of Education (DepEd) ang mga pampublikong paaralan sa bansa na isagawa ang kanilang end-of-school-year (EOSY) rites sa loob ng mga gusali o indoors.
Ayon sa kagawaran, nakatakdang ganapin ang mga EOSY rites mula Mayo 29 hanggang 31 ngayong taon, at itinakda na gawin ito sa loob ng mga gusali o sa mga lugar na may sapat na bentilasyon at malayo sa sikat ng araw.
Pinapaiwas din ng DepEd ang mga paaralan nai-iskedyul ang kanilang EOSY rites sa oras ng araw kung saan ang temperatura ay nasa pinakamataas na lebel.