DepEd nagbabala vs. Pekeng cash assistance sa graduating students

by Radyo La Verdad | May 7, 2024 (Tuesday) | 17439

METRO MANILA – Muling pinag-iingat ng Department of Education (DepEd) ang publiko laban sa kumakalat na pekeng post tungkol sa umano’y cash assistance na ibibigay sa mga graduating student.

Sa isang mensahe nilinaw ni DepEd Undersecretary Michael Poa, na walang ganitong programa ang ahensya at pinayuhan ang mga magulang at estudyante na huwag magbibigay ng anomang personal na impormasyon sa mga ganitong klase ng post.

Nakasaad sa fake advisory na makatatanggap umano ng P8, 000 na cash aid ang mga graduating student mula elementary hanggang college level.

Ayon sa DepEd hindi dapat paniwalaan ang naturang post, at pinaalalalahanan ang mga magulang na mag-ingat upang hindi makompromiso ang kaligtasan at kapakanan ng kanilang mga anak.

Tags: ,