DepEd Albay, hindi magpapatupad ng extension of classes

by Radyo La Verdad | February 7, 2018 (Wednesday) | 8797

Lahat sabay-sabay ga-graduate, ito ang gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo na para sa mga mag-aaral sa probinsya ng Albay. Kung kayat sisikapin ng lahat ng mga eskwelahan sa buong probinsya na matapos ang klase ngayong buwan ng Marso.

Simula pa noong nakaraang linggo ay tuloy-tuloy na ang pasok sa eskwela sa buong probinsya ng Albay.

Dahil sa mga naitayong temporary learning space, nakapagsasagawa ng klase kahit okupado pa ng mga evacuees ang ilang silid-aralan sa mga eskwelahan.

Sa mahigit tatlong daang TLS na kailangan, nasa mahigit sampu pa lamang ang naitatayo sa iba’t-ibang apektadong munisipalidad sa Albay.

Dahil dito, pinaaalis muna pansamantala ang mga evacuees tuwing umaga sa mga silid-aralan upang makapag-klase ang mga estudyante.

Tiwala ang Deped Region 5 na makukumpleto ang lahat ng aralin na kailangan ng isang bata bago matapos ang school year.

Sinabi rin ni Director Abcede na hindi masyadong hadlang ang kakulangan ng TLS sa mga eskwelahan dahil maraming opsyon ang mga guro upang makapagturo sa mga estudyante.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

Tags: , ,