Plano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na gawing permanente ang probisyonal na P10 na rollback sa flag down rate ng taxi na ipinatupad noong Marso ng nakaraang taon.
Ibig sabihin, magiging P30 na lamang ang flag down rate sa mga taxi kapag naipatupad ang rollback.
Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, dedesisyunan ngayong buwan ng ahensya kung itutuloy nito ang rollback sa pasahe sa taxi.
Samantala, sa Biyernes na sisimulan ipatupad ang P.50 sentimos na bawas pasahe sa minimum fare sa jeepney.
Matatandaan na nagkusang maghain ng petisyon ng rollback sa pasahe sa jeepney ang transport groups kahapon sa opisina ng LTFRB.
(Macky Libradilla / UNTV Radio Reporter)
Tags: flagdown rate, LTFRB, rollback, taxi