December 26 at January 2, idineklarang special non-working days ng Malacañang

by Radyo La Verdad | December 14, 2016 (Wednesday) | 1216

WALANG-PASOK
Idineklara na ng Malacañang na special non-working days ang December 26, 2016 at January 2, 2017, sa bisa ng Proclamation number 117.

Ito ay upang bigyang-oportunidad ang publiko na magkaroon ng mas mahabang holiday kapiling ang kani-kanilang pamilya lalo’t kapwa natapat sa weekends ang December 25 at January 1.

Ang proklamasyon ay pinirmahan ni acting Executive Secretary Menardo Guevarra na bahagi ng caretaker committee habang nasa labas ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte.

Tags: ,