Dec. 8, idineklarang special non-working holiday sa ilang lugar

by Radyo La Verdad | December 7, 2015 (Monday) | 802

IMAGE_UNTV-News_JAN212013_Malacanang-Photo-Bureau_Benigno-Aquino-III
Idineklara ni Pangulong Noynoy Aquino ang December 8, 2015 bilang special non-working day sa Taguig City, Batangas Province, Batac City sa Ilocos Norte, Antipolo City at bayan ng Agoo sa La Union.

Ang deklarasyon ng special non-working day sa mga nabanggit na lugar ay batay sa magkakahiwalay na proklamasyon na nilagdaan ni Pang. Aquino nitong Dec. 1.

Gugunitain ng mga taga-Taguig City ang kanilang foundation day sa Dec. 8.

Gugunitain naman ang Foundation day ng Batangas Province at Batac City.

Ipagdiriwang naman ang 424th Foundation day ng Antipolo City at ang 437th Foundation ng Bayan ng Agoo sa La Union.

Tags: