Debate at pagpapasa ng Lower House sa Freedom of Information Bill, hihilingin ng Malacanang na ituloy na

by Radyo La Verdad | July 29, 2015 (Wednesday) | 2622

SEN POE
Sa 2016 budget message ng Pangulo, sinabi niya na upang matiyak na magiging pangmatagalan ang mga polisiya ng administrasyon pagdating sa transparency ,sinabi ng Pangulong Aquino na dapat ng maipasa ang FOI Bill.

Ipinaliwanag ng Malakanyang na wala namang dapat na maging isyu kung bakit nabanggit ang FOI Bill sa budget message at hindi sa SONA ng Pangulo.

Bukod sa FOI Bill , nanawagan rin ang Pangulo sa kongreso na ipasa na rin ang Public Financial Accountability Act.

Kaugnay ng mga priority bills ng ehekutibo partikular na ang FOI Bill, hihilingin ng Malakanyang sa Lower House na ituloy na ang debate sa naturang kontrobersyal na panukalang batas.

Sa kasalukuyan ay hindi pa rin nagsisimula ang 2nd reading sa house plenary sa FOI Bill.

Ikinatuwa nman ito ni Senator Grace Poe, na isa sa pangunahing nagsusulong sa panukalang batas.

Sa kasalukuyan wala pang ibinibigay na impormasyon ang malakanyang kung ang FOI Bill ay sisertipikahan ni Pangulong Aquino bilang urgent bill.

Tags: ,