DBM, naghahanda na ng rekomendasyon kay Pangulong Aquino upang maipatupad ang salary increase ng mga government employee

by Radyo La Verdad | February 5, 2016 (Friday) | 2939

PNOY
Inihahanda na ng Department of Budget and Management ang rekomendasyon para sa salary increase ng mga government employee upang malagdaan ni Pangulong Benigno Aquino the third.

Ayon kay Department of Budget and Management Secretary Florencio Butch Abad, sakaling aprubahan kaagad na ipatutupad nila ang first tranch ng salary adjustment na nakasaad sa Proposed Salary Standardization Law IV.

Ayon kay Abad, maaaring maipatupad ang compensation adjustment sa bisa ng Presidential Decree Number 985 at 2009 Congress Joint Resolution Number 4.

Ito ang nagbibigay kapangyarihan sa pangulo na i-update ang government’s compensation and position classification system base sa rekomendasyon ng DBM.

Kabuuang 57.9 billion pesos ang inilaan dito na nasa 2016 national budget.

(Nel Maribojoc/UNTV News)

Tags: ,