Sang-ayon si Davao City Councilor Bai Halila Sudagar sa proposed security measure na inspeksyunin ang mga kababaihang Muslim na nakasuot ng burqa at niqab sa pampublikong lugar.
Ang polisiyang ito ay isinumite ng security officials kay Mayor Sara Duterte matapos ang nangyaring pagsabog sa Roxas night market noong September 2.
Una na ring hiniling ni Mayor Sarah Duterte ang kooperasyon lalo na sa mga babaeng Muslim.
Ayon kay Davao City Police Office Director Senior Superintendent Michael John Dubria magtatalaga sila ng police women sa isasagawang inspeksyon at maglalagay rin sila ng enclosed room para sa mga checkpoint.
(Janice Ingente / UNTV Correspondent)
Tags: Davao Muslim Councilor, mga nakasuot ng Burqa at Niqab