Plano ng Office of the Ombudsman na muling buksan ang imbestigasyon sa umano’y Davao Death Squad.
Kasunod na rin ito ng pagsasampa ng reklamo ng self-confessed hitman na si Edgar Matobato laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang, pag-aaralan at sisiyasatin nilang mabuti ang mga impormasyon sa inihaing reklamo ni Mabatobato upang malaman kung paano nila ito aaksyunan.
Si Carandang ang mamumuno sa imbestigasyon kasunod ng pag-iinhibit ni Ombudsman Conchita Carpio Morales sa kaso dahil sa kanyang kuneksyon sa first family bilang aunt-in-law ni Davao City Sara Duterte.