Davao city 1st Dist. Rep. Paolo Duterte, umatras na sa pagtakbo bilang house speaker

by Erika Endraca | July 8, 2019 (Monday) | 30784

MANILA, Philippines – Umatras na sa house speakership race si Davao City First District Representative Paolo Duterte matapos niyang makausap ang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang pahayag sinabi ng presdential son na nagkasundo sila ng pangulo na hindi pa ito ang tamang panahon para tumakbo sya sa nasabing posisyon.

Makatutulong pa rin naman umano sya sa administrasyon bilang miyembro ng kamara. Sinabi pa nito na kay Davao City Third District Representative Isidro Ungab na ang kanyang suporta para sa susunod na house speaker.

Samantala nagpulong sa davao city sina congressman Duterte at Davao city mayor Sara Duterte-Carpio sa ang tatlong speaker aspirant na sina Leyte representative Martin Romualdez, taguig representative Alan Peter Cayetano at marinduque representative Lord Allan Velasco matapos sumapi ang mga ito sa Duterte coalition na binuo ng magkapatid na Duterte.

Kung saan pinagusapan nila ang mga dapat gawin upang maisulong ang mga adbokasiya ng Duterte administration.

Samantala ang Duterte coalition ay una nang binuo upang pagkaisahin ang mababang kapulungan ng kongreso sa gitna ng mainit na labanan sa pagka-house speaker.

(Grace Casin | Untv News)

Tags: ,