Sumailalim sa liver surgery si dating U.S. President Jimmy Carter nitong Lunes para alisin ang maliit na bukol sa atay.
Isinagawa ang operasyon kay Carter, 90 taong gulang, sa Emory University Hospital sa Atlanta, Georgia.
Batay sa opisyal na pahayag ng ospital, naging matagumpay ang isinagawang operasyon sa dating pangulo at inaasahan na manunumbalik ang lakas nito.
SI Carter ay naging pangulo ng U.S. mula 1977 hanggang 1981 at naging aktibo ito sa iba’t ibang adbokasiya nang magretiro ito sa pulitika.
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com