Pumanaw na sa edad na 81 si dating Senate President Ernesto Maceda Jr.
Una itong inilagay sa life support dahil sa komplikasyon matapos ang gall bladder removal surgery nito.
Ayon sa anak nitong si Atty. Ernest Maceda, pasado alas otso kagabi ng bawian ng buhay ang dating senador dahil sa multiple organ failure.
Ibuburol ang labi ng dating senador sa Mount Carmel Church sa New Manila mamayang alas tres ng hapon at bubuksan ito sa publiko.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamilya Maceda sa mga panalangin at pagbuhos nang pakikiramay.
Si Maceda ay nagsilbing senate president mula 1996 hanggang 1998.
Nakilala rin ito bilang “Mr. Expose” dahil sa pagbubunyag sa mga katiwalian sa gobyerno sa kanyang mga privilege speech.
(UNTV RADIO)