Pinagbigyan ng Sandiganbayan ang urgent motion na inihain ng kampo ni dating Senador Jinggoy Estrada na makapag patingin sa doktor.
Matapos sumailalim sa therapy ang kaliwang balikat ni Jinggoy, inirereklamo ni Estrada ngayon ang pananakit ng kanyang kanang balikat.
Ayon sa doktor ni Estrada, kailangan ma x-ray at masailalim sa MRI ang balikat ni Jinggoy sa Cardinal Santos Medical Center sa lalong madaling panahon.
Pinayagan si Estrada ngayong araw na makapunta sa ospital mula alas dose ng tanghali hanggang alas sais ng gabi.
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com