Mula Sandiganbayan, balik Camp Crame si dating Senador Ramon Bong Revilla Jr. matapos ibaba ang hatol ng korte sa kaniyang kaso.
Isinailalim ito sa medical examination at iba pang documentation process na bahagi ng normal na proseso kapag palalayain ang isang nakadetine.
Batay sa standard operating procedure ng PNP, kinakailangan isailalim muna sa medikal ang isang preso upang masigurong maayos ang kondisyon ng kalusugan nito bago ang kanyang paglaya.
Sa isinagawang medical test, lumabas na normal ang blood pressure ni Revilla, walang anomang injury maliban na lamang ang pilay sa kanyang kamay dahil umano pagbo-boxing.
Subalit matapos ang medical examination, hindi pa rin nakaalis ng custodial center si Revilla dahil wala pa ang release order nito.