Dating Sen. Jamby Madrigal at Rep. Len Alonte, nasa likod ng umano’y panunuhol sa high profile inmates – Sec. Aguirre

by Radyo La Verdad | February 24, 2017 (Friday) | 1456


Direkta nang tinukoy ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sina dating Senador Jamby Madrigal at Laguna Representative Len Alonte-Naguiat na nasa likod ng umano’y one hundred million-peso bribe sa high-profile inmates upang bawiin ang kanilang testimonya laban kay Sen. Leila de Lima.

Sinabi ni Secretary Aguirre na ang pinsan ni Madrigal na si Lalaine Madrigal-Martinez ang nagsabi sa kanya tungkol sa umano’y tangkang panunuhol.

Si Lalaine ay asawa ng isa sa mga inmate na kasalukuyang nakakulong sa AFP Custodial Center.

Tags: , , ,