Itinalaga na bilang pinuno ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang dating hepe ng Quezon City Police District na si Police Director Joel Pagdilao.
Kinumpirma ito ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez ngayong araw.
Pormal na itatalaga si Pagdilao bilang pinuno ng NCRPO sa isang seremonya mamayang alas-3:00 ng hapon sa Camp Bagong Diwa sa taguig City.
Si Chief Superintendent Edgardo Tinio ng Directorate for Integrated Police Operations – South Luzon naman ang papalit sa binakanteng posisyon ni Pagdilao.
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com