Dating pulis na umano’y sangkot sa bilibid drug trade, tumestigo laban kay Sen. De Lima

by Radyo La Verdad | September 19, 2018 (Wednesday) | 4607

Photo taken from Facebook

“may hangganan din talaga ang impunity! mananagot at mananagot ang mga lumalabag sa karapatang pantao, at ‘yung isa pang berdugo at mass murderer na nasa Malacañang ay dapat managot din”

Ito ang mensahe ni Senadora Leila De Lima matapos dumalo sa pagdinig ng kaniyang drug case sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206.

Humarap naman sa naturang pagdinig ang isa pang testigo ng Department of Justice (DOJ) na si retired Chief Superintendent Jerry Valeroso na umano’y may alam sa mga nakipagsabwatang mga pulis sa senadora upang makapagpuslit ng droga sa New Bilibid Prison (NBP).

Inilahad ni Valeroso na ipinakilala siya kina JB Sebastian at Herbert Colangco at kinumpirma ang pagiging protektor ng noo’y justice secretary na si De Lima sa pagpasok ng iligal na droga sa NBP.

Pero duda pa rin ang kampo ng senadora sa mga pahayag ng testigo. Pabago-bago din umano ang mga testimonya ng dating pulis ayon sa abogado ng senadora.

Samantala, wala pa ring desisyon ang korte sa mosyon ng kampo ni De Lima na ma-disqualify ang labintatlong convicted criminals bilang testigo ng prosekusyon dahil napatunayan na walang kredibilidad ang mga ito.

 

( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )

Tags: , ,