Nagpiyansa ng 40 thousand pesos si dating PNP Chief Alan Purisima sa kasong graft at usurpation na isinampa ng Ombudsman laban sa kanya.
Ang naturang kaso ay kaugnay ng Mamasapano incident na kinasangkutan ni Purisima.
Kabilang rin sa mga kinasuhan ng Ombudsman ay si dating PNP-SAF Director Getulio Napeñas.
Ang Mamasapano encounter ay naganap noong January 25, 2015 kung saan 44 na SAF troopers ang nasawi sa Mamasapano, Maguindanao.
Tags: Dating PNP Chief Alan Purisima, nagpiyansa sa kasong graft at usurpation kaugnay ng Mamasapano incident