Dating pangulo, dalawang senador na sangkot sa PDAF Scam, nasa likod umano ng panggigipit kay Sen. de Lima

by Radyo La Verdad | October 27, 2016 (Thursday) | 906

aiko_de-lima
May ilang personalidad umano ang nakikipagsabwatan kay Pres. Rodrigo Duterte upang ang sirain at pabagsakin si Sen.Leila de Lima, sa pamamagitan ng isinagawang house inquiry at pagsasampa ng kaso laban sa kanya patungkol sa umano’y kinalaman niya sa iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prison.

Ayon sa senadora, ilan sa mga nangigipit sa kanya ay mga naghihiganti dahil maaaring nasagasaan sila sa kaniyang naging trabaho noon bilang justice secretary.

Ayon sa senadora, bumuo na siya ng legal team para makapagsampa na sa lalong madaling panahon ng mga kaso laban sa mga naninira sa kanya

Bagaman ilang kaso na ang naisampa laban kay de Lima kaugnay ng umano’y paglabag sa dangerous drugs act, wala pa aniya siyang natatanggap na subpoena, o kahit kopya ng mga inihaing kaso.

Gayumpaman, handa ang senadora na harapin ang mga kaso at kumpiyansa siyang walang basehan ang mga ito.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,