Humihiling si dating MRT General Manager Al Vitangcol III sa Sandiganbayan na mabigyan siya ng kopya ng mga dokumento kinakailangan upang maabswelto siya sa kanyang kaso.
Nasampahan kasi ng graft at paglabag sa government procurement law si Vitangcol dahil sa umano’y conflict on interest sa maintenance contract ng MRT sa kumpanyang Ph Trams noong 2012.
Nais ni Vitangcol na magamit bilang ebidenysa ang counter affidavits nina DOTC Sec.Jun Abaya, at ilang taga bids and awards committee, negotiating team at ph trams na aniya magsasabing inosente siya sa mga paratang.
Ayon kay Vitangcol, hindi siya binigyan ng mga kopya nito noong humingi siya ng kopya sa Ombudsman.
Matapos raw kasi ang preliminary investigation, inabswelto na ng Ombudsman ang labinlimang ibang opisyal ng DOTC, kabilang si Abaya, at siya lang ang sinampahan ng kaso sa Sandiganbayan.
Dahil dito hinihiling ni Vitangcol na ipagpaliban muna ang pre-trial sa kanya mga kaso at ipagutos ng Sandiganbayan sa Office of the Special Prosecutor na bigyan siya ng mga nasabing dokumento.
(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)
Tags: counter affidavit, dating MRT General Manager Al Vitangcol, Sec.Jun Abaya