Dating MRT General Manager Al Vitangcol, babasahan na ng sakdal ng Sandiganbayan bukas

by Radyo La Verdad | March 15, 2017 (Wednesday) | 951


Itinakda bukas ng Sandiganbayan 6th Division ang arraignment ni dating MRT-3 General Manager Al Vitangcol.

Unang ipinagpaliban ng Sandiganbayan noon ang arraignment ni Vitangcol dahil sa mga nakabinbin nitong mosyon sa korte.

Nag-ugat ang kaso ni Vitangcol sa umano’y tangka nitong pangingikil ng 30-million dollars sa mga kinatawan ng kumpanyang Inekon na supplier ng mga bagon ng MRT sa Czech Republic.

Nahaharap si Vitangcol sa dalawang count ng paglabag sa anti-graft and corrupt practices act kaugnay ng ma anomalyang transakyon nito sa Czech company na Inekon.

Tags: , ,