Nilinaw ng Department of Transportation na hindi maaaring mag-bid sa anomang proyekto ng gobyerno ang dating maintenance provider ng MRT-3 na Busan Universal Rail Incorporated o BURI.
Ginawa ng DOTr ang pahayag matapos ang ilang ulat na lumabas kahapon na pinayagan umano ng kagawaran ang BURI na mag-bid sa mga bagong proyekto nito.
Ayon sa DOTr, disqualified na ang BURI maging ang joint venture members nito gaya ng Edison Development and Construction na magparticipate sa bidding na resulta ng pagkakaalis dito bilang maintenance provider ng MRT-3 dahil sa poor performance.
Dagdag pa ng DOTr, hindi ibig sabihin na nagpasa ang mga ito ng bid sa kanilang proyekto ay kwalipikado na ang mga ito.
Kahapon, lumabas sa ilang news reports na nagsubmit ng bid ang BURI at Edison ng bid sa tatlong bagong proyekto ng DOTr, ang systematic rail replacement project for MRT 3, LRTA’s maintenance contract for LRT-2 at LRTA’s restoration of four train sets project for LRT-2.