Dating mambabatas na si Rachel Arenas, itinalagang MTRCB Chairperson ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | January 30, 2017 (Monday) | 949


Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong chairperson ng Movie and Television Review and classification Board o MTRCB si dating Pangasinan Representative Rachel Arenas.

Batay sa appointment letter mula sa Malakanyang, itinalagang MTRCB Chair si Arenas hanggang September 30, 2017 subalit maaaring i-extend ng pangulo ang kaniyang appointment kada taon.

Siya ang hahalili kay outgoing MTRCB Chairman Eugenio Toto Villareal.

Ang MTRCB ang ahensya ng pamahalaang responsable sa pagpapatupad ng regulasyon sa telebisyon at pelikula.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: ,