Nakahanap na ng probable cause ang Office of the Ombudsman upang kasuhan sa Sandiganbayan ang dating Chairman ng Local Water Utilities Administration na si Prospero Pichay.
Sa resolusyon ng Anti Graft Agency, sinabi nitong may matibay na basehan na nilabag ni Pichay sa Anti Graft and Corrupt Practices Act at code of conduct and ethical standards for public officers and employees.
Kaugnay ito ng 1.5 million pesos na ibinigay na sponsorship ng LWUA sa National Chess Federation of the Philippines o NCFP kung saan presidente si Pichay.
Bukod kay Pichay, tatlong dating opsiyal ng LWUA ang kakasuhan din ng graft sa Sandiganbayan dahil sa kanilang partisipasyon dito.
Ayon sa Ombudsman, pinaboran at binigyan ng malaking pondo ng mga opisyal ang NCFP kahit pa hindi prayoridad ng LWUA ang pagbibigay ng sponsorship sa mga sporting event.
Ito ay sa kabila ng memo na inilabas ni dating LWUA Adminstrator Daniel Landingin na nagpapasuspindi sa kahit anong uri ng sponsorship o suporta sa sports at cultural activities .
Bibigyan muna ng Ombudsman ng pagkakataon sina Pichay at iba pa na maghain ng kanilang motion for reconsideration bago isampa ang kaso sa Sandiganbayan.
(Joyce Balancio/UNTV NEWS)
Tags: graft, Prospero Pichay.