Dating legal counsel ni Benhur Luy, umapela sa DOJ na ituloy ang ikatlong batch na kakasuhan sa PDAF scam.

by dennis | May 5, 2015 (Tuesday) | 1610
Atty. Levito Baligod, dating abogado ni Benhur Luy, whistleblower ng PDAF scam
Atty. Levito Baligod, dating abogado ni Benhur Luy, whistleblower ng PDAF scam

Umapela si Atty. Levito Baligod, sa Department of Justice na ituloy ang pagsasampa ng kaso sa 3rd batch ng mga mambabatas na kakasuhan kaugnay ng maling paggamitPork Barrel o PDAF scam.

Ito ay matapos na sabihin ni Justice Sec. Leila de Lima na di pa muna nila prayoridad sa ngayon ang pagsasampa ng kaso sa 3rd batch ng PDAF Scam dahil marami pa silang prayoridad na kasong dapat na resolbahin.

Sa isang press conference sinabi ni Baligod, na ang PDAF cases ang maaaring maging tulay upang ng pamahalaan para masugpo ang katiwalian kung kaya’t nababahala ito dahil sa hindi pa naisasampa ng DOJ ang kaso sa mga sangkot na mambabatas.

Nakausap na umano niya si De Lima na isama sa 3rd batch na pasasampahan ng kaso ang ilang mamababatas na kaalyado ni Pangulong Aquino.

Si Atty. Levito Baligod ay dating legal counsel ni Benhur Luy sa mga kaso ng PDAF Scam kay Napoles at sa mga senador at sa Serious Illegal Detention case nito.(Jerolf Acaba/UNTV Radio)

Tags: , ,