Dating DILG Secretary Mar Roxas, tinawag na kaawa-awa at katawa-tawa ang reklamong inihain laban sa kanya ng DOTr

by Radyo La Verdad | November 22, 2017 (Wednesday) | 5079

Tinawag na “pathetic” o kaawa-awa ni dating Department of the Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang inihain reklamong laban sa kaniya ng Department of Transportation kahapon sa Office of the Ombudsman.

Ayon kay Roxas, tila nag-imbento na lamang aniya ng kasong walang basehan ang DOTr, upang ipakita sa taumbayan na mayroong accomplishment ang ahensya. Tinawag rin na katawa-tawa ni Roxas ang demandang isinampa laban sa kaniya ng DOTr.

Isa si Mar Roxas sa mga miyembro ng gabinete ni dating Pangulong Benigno Aquino III na umano’y sangkot sa maanomalyang 3.8 billion pesos maintenance contract ng BURI sa MRT- Line 3.

Sa ngayon ay nasa labas pa ng bansa si Roxas, kaya’t hindi pa umano siya nakatatanggap ng kopya mga reklamong inihain laban sa kanya.
 

Tags: , ,