Dating Davao del Norte Rep. Arrel Olaño, sinampahan ng kasong graft, malversation at direct bribery dahil sa PDAF Scam

by Radyo La Verdad | April 20, 2016 (Wednesday) | 2532

SANDIGANBAYAN
Sinampahan ng Office of the Ombudsman ng kasong graft, malversation of public funds at direct bribery sa Sandiganbayan si dating Davao del Norte Rep. Arrel Olaño dahil sa Pork Barrel Scam.

Ayon sa impormasyon ng kaso, 3.1 million pesos ang umano’y natanggap ni Olaño sa page-endorso ng kanyang 8.5 million pesos Priority Development Assistance Fund o PDAF sa mga pekeng NGOs ni Janet Napoles noong 2007.

Si Olaño ang ika labing isang mambabatas na nakasuhan ng Sandiganbayan dahil sa PDAF Scam.

Tags: , , ,