MANILA, Philippines – Nagbabala sa publiko ang data privacy expert na si Roselle Reig, hinggil sa paggamit ng Faceapp at ibang mobile application na maaaring maglagay sa panganib sa ating privacy lalo na sa mga pagkakataon na hinihingi na ang ating permiso na magkaroon ng access ang mobile app sa ating mga sariling impormasyon.
“If you say yes yun medyo delikado yun kasi hindi natin alam kanino nya gagamitin ito saan i-store ito and possibly baka nga maging cause o dahilan ng identity theft hindi natin alam ginagamit na pala yung mukha natin advertisement o some malicious intent na ginagawa nila” ani Data Privacy Expert Roselle Reig.
Naging isyu na rin sa Facebook ang tungkol sa privacy at naging malaking usapin iyon lalo na sa ibang bansa na sensitibo sa ganoong bagay
Samantala nito lamang Linggo (July14) , pinagbabayad ng US Federal Trade Commission (FTC) ang facebook ng P5-B dahil sa privacy violation.
Inakusahan ng FTC ang Facebook sa pagbibigay nito ng datos ng 87-M Facebook users sa British consulting firm na Cambridge Analytica.
Ang Cambridge Analytica ang humawak sa kampanya ni Us President Donald Trump noong 2016 US Presidential Election.
Sinasabing nakakuha ito ng maraming datos mula sa Facebook na ginagamit sa pangangampanya ni Trump.
Noong July13, ginaganap ang facebook developers conference sa US at doon nabanggit ni Facebook Ceo Mark Zuckerberg na prioridad ngayon ng Facebook ang privacy ng kanilang mga users
“As the world gets bigger and more connected, we need that sense of intimacy more than ever, so that’s why i believe that the future is private. This is the next chapter for our services.” ani Facebook Ceo Mark Zuckerberg.
Kung matutuloy ang pagpapataw ng multa maituturing ito na pinakamalaking multa sa kasaysayan ng us na ipinataw sa isang tech company. Pero hindi ito makaka apekto sa Facebook na kumita ng $56-B nito lamang nakaraang taon.
(Mon Jocson | Untv News)