Dalawang Vote Counting Machine sa Nursery Elementary School sa Masbate, nagkaroon ng aberya

by Radyo La Verdad | May 9, 2016 (Monday) | 1419

GERRY_VCM
Naantala ang pagboto ng mga botante sa Nursery Elementary School sa syudad ng Masbate.

Ayon sa Board of Election Inspector, nakaroon ng “paper jam” sa isa sa mga Vote Counting Machines habang hindi naman lumalabas ang mga resibo sa isa sa mga V-C-M.

Agad namang naiayos ng mga i.t. expert ng Smartmatic ang nasabing aberya.

Samantala kabilang sa mga problemang kinakaharap ng mga botante ang mahabang pila ng mga botante kasabay ng mainit na panahon. Nakaantabay naman ang sampung myembro ng PNP sa Nursery Elementary School upang matiyak ang peace and order sa lugar.

Ang baranggay Nursery ang may pinakamaraming registered voters sa buong syudad ng Masbate na umaabot sa mahigit limanlibong botante.

(Gerry Galicia / UNTV Correspondent)

Tags: , ,