Dalawang sugatan sa banggaan ng dalawang sasakyan sa Bulacan, sinaklolohan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | November 24, 2016 (Thursday) | 1037

nestor_tmbb
Kapwa nagtamo ng malaking hiwa sa ulo at mga gasgas sa katawan ang magka-angkas sa motorsiklo na sina Juan Paulo Estanilao at Mary Grace De Guzman matapos bumangga sa isang sasakyan sa Guiguinto kaninang madaling araw.

Matapos lapatan ng first aid ay isinugod ng UNTV News and Rescue ang dalawa Sa Bulacan Medical Center.

Ayon sa mga imbestigador, walang suot na helmet ang mga biktima nang maaksidente.

Tumangi namang humarap sa camera ang nakabanggaang driver ng mga biktima na ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: ,