Dalawang sakay ng motorsiklo na nasugatan sa aksidente, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | December 21, 2017 (Thursday) | 2307

Nakaupo sa gitna ng kalsada at iniinda ang mga sugat sa noo, braso at mga paa ng bente singko anyos na si Myra Fontanilla nang datnan ng UNTV News and Rescue sa Commonwealth Avenue, Corner Luzon Avenue, alas dos kaninang madaling araw habang ang kasama naman nitong driver ng motorsiklo na si Aries Quijano ay may gasgas sa kaliwang siko.

Kapwa sila binigyan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue sina Aries at Myra at saka inihatid sa East Avenue Medical Center.

Kwento ni Aries, galing sila sa kanilang trabaho ng angkas niya sa motorsiklo na si Myrna. Habang binabagtas nila ang motorcycle lane sa kahabaan ng Commonwealth Avenue ay bigla umano silang ginitgit ng pampasaherong bus at natumba.

Depensa naman ng konduktor ng Nova Transport Bus, nagbaba lamang umano sila ng pasahero nang biglang kumalabog ang kanilang sasakyan.

Handa naman ang pamunuan ng bus na panagutan ang mga gastusin ng mga biktima sa hospital.

 

( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )

Tags: , ,