Dalawang nasugatan sa motorcycle accident sa Nueva Ecija, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | February 8, 2017 (Wednesday) | 1273


Nagtamo ng malaking hiwa sa kaliwang binti ang motorcycle rider na si Noli Villasaña habang nagkasugat naman sa kanang palad ang angkas nitong si Rolly Driz matapos mabangga ng kotse ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Brgy. Magsaysay Norte, Cabanatuan City kaninang ala-una ng madaling araw.

Hindi naman nasaktan ang isa pang angkas ng motorsiklo na tumanggi magpakilala sa media.

Ayon sa nakakita sa pangyayari, bago mabangga ng kotse ang mga biktima ay natumba na sila sa kalsada

Matapos lapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang sugat ng dalawa ay tumanggi na silang magpahatid sa ospital.

(UNTV News)

Tags: ,