Dalawang nasugatan sa banggaan ng motorsiklo at kotse sa Cavite tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | June 1, 2016 (Wednesday) | 980

SHERWIN_TMBB
Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang dalawang sakay ng motorsiklo matapos mabangga ng kotse sa kahabaan ng Governors Drive corner Hugo Perez Purok Tres, Trece Martirez, Cavite kaninang madaling araw.

Nagtamo ng sugat sa kamay ang driver ng motorsiklo na si Rogelio Trinidad habang nagasgasan naman sa kamay at braso ang angkas nito na si Mela Rieta.

Ayon kay Trinidad binabagtas nila ang Governor’s drive mula sa NAIA terminal three nang bigla silang banggain ng kotse.

Sinabi namanng driver ng kotse na si Alex Pedria, hindi niya napansin ang motorsiklo dahil madilim sa lugar.

Matapos lapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang mga biktima ay dinala ito ng city ambulance sa Trece Martirez Hospital.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: , ,