Hindi na mapapakinabangan ang dalawang motorsiklo na nang masunog sa Gil Puyat Corner Paseo De Roxas Avenue Makati matapos magkabanggaan pasado alas dose kaninang madaling araw.
Sa cellphone video na kuha Mar Cris Coloma, makikita kung papaano unti-unting nasunog ang mga motor at inapula ng Bureau of Fire Protection.
Sugatan naman ang dalawang rider na kinilalang sina Aaron Jordan Tallada at Ricardo Peroy nang tumilapon sa kalsada at kapwa dinala sa ospital.
Ayon sa nakakita sa pangyayari, naka-green ang traffic light ng Gil Puyat Avenue na binabaybay ni Tallada, nang bigla umanong lumiko pakaliwa sa Paseo De Roxas Galing Gil Puyat si Peroy kaya sila nagkasalpukan.
Malaki naman ang maitutulong ng kuha ng closed circuit television camera sa lugar upang malaman ang buong pangyayari.
Hawak na ng mga otoridad ang kaso at iniimbestigahan na kung sino ang may kasalanan sa dalawang rider.
(Benedict Galazan/UNTV Radio)