Dalawang motorcycle rider, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team matapos magkabanggaan sa Bulacan

by Radyo La Verdad | August 12, 2016 (Friday) | 1279

NESTOR_TMBB
Naabutan pa ng UNTV News and Rescue Team na nakahiga sa kalsada ang isang lalaking motorcycle rider na bumangga sa kasalubong nitong motorsiklo sa Barangay Muzon San Jose del Monte, Bulacan pasado alas nuwebe y media kagabi.

Agad nilapatan ng pangunang lunas ng grupo ang tinamong sugat sa bibig, at gasgas sa tuhod ng biktima na si Roel Javier, bente dos anyos, residente ng Barangay Graceville San Jose del Monte City, Bulacan.

Magkatuwang ding tinulungan ng Muzon Rescue Team at ng UNTV News and Rescue Team ang driver ng nakabanggaang motorsiklo, matapos itong magtamo ng sugat sa kaliwang binti, paa at bukol sa ulo.

Matapos malapatan ng pangunang lunas agad dinala ang dalawang biktima sa Sapang Palay District Hospital.

Kwento naman ni Javier, pauwi na sana siya ng bahay, galing sa kasiyahan ng mawalan sya ng kontro sa manibela hanggang mabanga nya ang kasalubong na motorsiklo.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: , ,