Dalawang luxury cars mula sa Hong Kong, nakumpiska ng BOC sa Manila International Container Port

by Radyo La Verdad | September 6, 2017 (Wednesday) | 2511

Tinatayang nagkakahalaga ng sampung milyong piso ang dalawang mercedes benz na nadiskubre ng BOC sa Manila International Container Port.

Dumating ito sa bansa noong Agosto ang sakay ng 40 footer cargo mula sa Hong Kong na nakapangalan sa Juljerjac Trading.

Idineklara itong auto parts ngunit nang dumaan na sa x-ray inspection ay nakitang mamahaling sasakyan ang laman.

Agad itong kinumpiska dahil sa paglabag sa Section 3 ng Customs Modernization and Tariff Act kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang importasyon ng used o mga gamit ng motor vehicles.

 

Tags: , ,

BOC, nagpaalala na piliing mabuti ang freight firms sa pagpapadala ng balik bayan boxes

by Radyo La Verdad | January 26, 2024 (Friday) | 15960

METRO MANILA – Nagpaalala ang Bureau of Customs (BOC) sa mga Pilipino sa ibang bansa na piliing mabuti ang freight forwarding firms sa pagpapadala ng balikbayan box sa kanilang pamilya sa bansa.

Sa social media post, sinabi ng BOC na dapat piliin ng mga customer ang mga reputable forwarding company na accredited ng Department of Trade and Industry (DTI) para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga balikbayan box.

Ito ay matapos ang mga report na natanggap ng ahensya tungkol sa mga kaso ng abandonadong balikbayan boxes.

Sa kabuoan, nasa 15 na ang foreign at local forwarders o consolidators ang may mga kaso ng abandoned balikbayan boxes.

Ito ay ang kabayan Island Express Cargo, GM Multi Services Cargo, Allwin Cargo LLC, Sel Air Cargo, Manila Cargo, Sky Freight, Mediacom Express Cargo, CMS General Services, Pinoy Network Cargo WLL FZC LLC.

Habang ang mga local forwarders o deconsolidators na may kaso ng inabandonang padala ay ang FBV Forwarders and Logistics Inc.,, Etmar International Logistics, Cargoflex Haulers Corp., KC door to door delivery services, Rensworld Freight Logistics Corp., FGTI Forwarding Services, CMG International Movers.

Hinimok din ng BOC ang publiko na makipagugnayan sa ahensya kung may alalahanin o may karagdagang impormasyon sa kanila, sa pamamagitan ng Bureau of Customs – Customer Assistance and Response Service o BOC-Cares sa pamamagitan ng hotline number (02) 8705-6000 o sa pamamagitan ng email sa boc.cares@customs .gov.ph.

Tags: ,

BOC, pinag-iingat ang publiko sa parcel o love scam ngayong holiday season

by Radyo La Verdad | December 15, 2023 (Friday) | 16698

METRO MANILA – Nagbabala ang Bureau of Customs (BOC) ang publiko laban sa parcel o love scam ngayong holiday season.

Pinapayuhan ng ahensya ang publiko na maging maingat sa mga tawag, mensahe o email na nagsasabing mayroong package o parcel na nakabinbin sa BOC na nanghihingi ng bayad para ito ay mailabas.

Dagdag ng ahensya, ang pagbabayad ng customs duties at taxes ay maaari lamang gawin sa BOC cashier o sa pamamagitan ng authorized agent banks.

Kung sakaling naging biktima ng scam, i-check sa website kung ang nasabing courier o forwarder ay accredited.

Maaari ding makipagugnayan sa BOC upang ma-verify kung ang resibo, tracking number at ibang dokumento na natanggap ay tunay o fake.

Tags:

Milyon-milyong Pisong halaga ng smuggled na puting sibuyas, hindi na ibebenta sa Kadiwa Stores

by Radyo La Verdad | December 8, 2022 (Thursday) | 28393

METRO MANILA – Hindi na ibebenta sa Kadiwa Stores ang Milyon-milyong Pisong halaga ng mga smuggled na puting sibuyas na nakumpiska ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) sa ilang warehouse sa Maynila kamakailan.

Ayon kay DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez, labag sa panuntunan ang BOC ang pagbebenta ng mga smuggled na agricultural products.

Bukod dito, nabubulok na rin umano ang mga sibuyas na kanilang nakumpiska.

Dahil dito, target muna ng DA na mailabas ang natitira pang suplay ng sibuyas sa mga cold storage facilities habang paunti-unti na ring nag-aani ang mga magsasaka ngayong Disyembre.

Tags: , , ,

More News