Dalawang lalaking biktima ng motorcycle accident sa Lucena City, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | January 8, 2018 (Monday) | 3021

Sugat at galos sa mukha at iba pang bahagi ng katawan ang tinamo ng magkaibigang sina Ferdinand Llages at Benjie Hiyan matapos bumangga sa nakatambak na buhangin sa barangay Mayao Crossing, Lucena City ang kanilang sinasakyang motorsiklo noong Biyernes ng hatinggabi.

Kwento ng dalawa, hindi nila napansin ang riles ng tren sa daan kaya nawalan ng kontrol sa manibela at sumalpok ang kanilang motorsiklo sa tambak ng buhangin

Aminado naman ang dalawa na parehong nakainom ng alak. Agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team mga tinamong pinsala ng biktima.

Pagkatapos nito ay dinala ang dalawa sa Quezon Memorial Medical Center.

 

( Japhet Cablaida / UNTV Correspondent )

Tags: , ,