Dalawang lalaki na umano’y hinihinalang drug pusher, arestado sa buy-bust operation sa Baguio City at La Union

by Radyo La Verdad | May 24, 2016 (Tuesday) | 1998

GRACE_buy-bust
Nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang lalaki na naaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Baguio City kagabi.

Nasamsam sa suspek na si Jeffrey Damian ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng sampung libong piso.

Ayon sa PDEA, ang suspek ay miyembro ng local drug group na nag-ooperate sa lungsod na mariin namang itinanggi ng lalaki.

Samantala sa bahagi naman ng San Fernando City, La Union ay isang lalaki rin ang nahuli ng pulisya dahil umano sa pagbebenta ng iligal na droga.

Ang suspek na si Ryan Valdez ay naaresto sa buy-bust operation ng pnp sa national highway sa Brgy. Uno, San Fernando City.

Nakuha sa lalaki ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu, isang cellphone at limandaang pisong marked money.

Sa ngayon ay inihahanda na ng mga otoridad ang mga isasampang kaso laban sa dalawang suspek.

(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,