Dalawang daang residente, apektado sa sunog sa Tondo, Manila

by Radyo La Verdad | May 27, 2016 (Friday) | 2301

MACKY_RESIDENTE
Patay ang isang residente habang walo ang nasugatan sa sunog sa Narcisa Street, Tondo, Maynila kaninang madaling araw.

Nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng isang bahay na hini-hinalang iligal ang koneksyon ng kuryente.

Mabilis na kumalat ang apoy sa iba pang bahay dahil dikit-dikit ang mga ito at gawa lamang sa light materials.

Umabot sa task force alpha ang sunog habang nasa dalawang daang naman ang nawalan ng tirahan dahil sa insidente.

Tinatayang aabot naman sa sampung milyong piso ang halaga ng nasirang ari-arian sa lugar.

(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,