Dalawang babaeng sugatan sa motorcycle accident sa Cebu City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | February 16, 2017 (Thursday) | 1130


Magakatuwang na tinulungan ng UNTV News and Rescue Team at rescue unit ng Sambag Dos at Kamphutaw ang dalawang babaeng nasugatan sa motorcycle accident sa Fuente Osmena Circle, Cebu City kaninang madaling araw.

Nagtamo ng posibleng bali sa kaliwang paa at sugat sa noo ang bente singko anyos na rider na si Jenifer Magdasal.

Habang ang 31 anyos na angkas nito na si Maricel Segobia ay nagtamo naman ng posbleng bali sa kaliwang paa at mga gasgas sa tuhod.

Matapos lapatan ng first aid ay inihatid na nag dalawa sa Vicente Sotto Memorial Medical Center.

Ayon sa mga nakasaksi mabilis ang takbo ng motorsiklo na sinasakyang ng dalawa ng biglang nawalan ng balanse at sumadsad sa railings ng kalsada

(Marlhon Abique / UNTV Correspondent)

Tags: ,