MANILA, Philippines – Ayaw magpadalos-dalos ng Department of Agriculture (DA) sa paglalabas ng pahayag kung anong sakit ang pumapatay sa mga baboy sa bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, naiulat sa kanya noong Biyernes (August 16) ang mga insidente ng pagkamatay ng baboy subalit hindi rin niya pinangalanan kung anung mga lugar nangyari ito.
Tiniyak lamang niya na gumagawa na ng aksyon ang pamahalaan para solusyunan ito. Nais ng kalihim na matapos lumabas muna ang resulta ng confirmatory test o pagsusuri sa ibang bansa kung anong sakit ang naging dahilan ng pagkamatay ng baboy.
Ayon naman kay Bureau of Animal Industry Director Ronie Domingo, nais nilang maiwasang magkamali gaya ng nangyari sa ibang bansa. posibleng tumagal ng 2 Linggo hanggang 3 buwan bago matapos ang pagsusuri.
Pero ang Taiwan ay hinigpitan na ang mga pasaherong mula sa Pilipinas at padadaanin na sa inspeksyon ang mga bitbit na bagahe ng mga ito. Base umano sa kanilang mapagkakatiwalaang source ay African Swine Fever (ASF) ang pumatay sa mga baboy sa bansa.
(Rey Pelayo | Untv News)
Tags: baboy, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Department of Agriculture