Dagdag uli sa presyo ng mga produktong petrolyo, ipatutupad ngayong araw

by Radyo La Verdad | August 23, 2022 (Tuesday) | 268

METRO MANILA – Pagkatapos ng 7 magkaka-sunod na Linggong rollback sa presyo ng produktong petrolyo, magpapatupad naman ngayon ng price hike ang mga kumpanya ng langis.

Epektibo kaninang 12:01 ng madaling araw, nagdagdag ng P0.70 sa presyo ng kada litro ng gasolina ang Caltex Philippines.

P2.60 naman ang itinaas ng presyo ng Diesel, habang P2.80 naman sa kada litro ng Kerosene.

Sunod na nagpataw ng parehong price hike sa kada litro ng gasolina, diesel, at kerosene ang kumpanyang Shell, Petron, Seaoil at Flying V kaninang alas-6 ng umaga.

Ang Unioil, Total Philippines, Phoenix petroleum, Petrogazz, PTT Philippines, at Jetti petroleum naman ay nagdagdag din ng P0.60 sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Samantalang P2.60 naman ang dagdag sa kada litro ng diesel.

Magpapatupad din ng parehong price increase sa kada litro ng gasolina at diesel ang Cleanfuel simula mamayang 4:01 ng hapon.