Dagdag-sweldo ng mga pulis, matatanggap na ngayong Enero

by Radyo La Verdad | January 12, 2018 (Friday) | 9861

Tuloy na ang taas-sweldo ngayong Enero ng mga PNP personnel base sa Joint Resolution Number 01 o authorizing the increase of base pay of military and uniformed personnel. Sa ilalim ng bagong monthly base pay, makatatanggap ng base pay na halos thirty thousand pesos ang nasa 75,550 na police officer 1 o PO1 mula sa halos fithteen thousand pesos  matapos ang 100% increase.

Kaya naman umaasa ang PNP na hindi na masasangkot sa mga iligal na aktibidad ang mga pulis lalo na ang mga PO1 na mayroon nang malaking base pay.

Subalit tumaas man ang sweldo ng mga pulis, inalis naman ang officers at provisional allowance na natatanggap ng mga ito, kung saan 1,071 pesos sa PO1 at 88,977 pesos naman sa police director general o four star general para ngayong 2018. Mas malaki ito kumpara sa 53,643 pesos na dagdag-sweldo na ibinigay nang pangulo para sa Chief PNP.

Pero ayon kay CSupt. Vera Cruz, ang importante ay maitaasas ang base pay ng pinakamababang ranggo sa hanay ng pulisya sa isang daang porsyento.

Ang pagtaas niya ng sweldo ng mga pulis at malaking tulong para tumaas din ang magiging pension ng mga ito sa kanilang pagreretiro.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,