Dagdag na dokumento, hinihingi ng LTFRB bago desisyunan ang P1 fare hike petition

by Radyo La Verdad | August 31, 2023 (Thursday) | 3894

METRO MANILA – Nangangailangan pa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng karagdagang mga dokumento bago madesisyunan kung aaprubahan ba o hindi ang petisyon hinggil sa P1 dagdag pasahe sa jeep.

Sa isang panayam sinabi ni LTFRB Executive Director Robert Peig, na hindi pa nila inaaprubahan ang P1 fare hike petition dahil kinakailangan pang maisumite ng transport groups ang ilang mga dokumento.

Gayunman hindi na binanggit ng opisyal kung anong mga dokumento ang kanilang ipinasusumite.

Nauna nang naghain ng petisyon ang grupong Pasang Masda, Altodap at Acto upang humiling ng P5 dagdag sa minimum fare sa jeep at P1 sa kada susunod na kilometro ng biyahe, na uutay-utayin ang implementasyon.

Tags: ,