METRO MANILA – Ipatututupad na simula sa darating na Pebrero ng Pag-IBIG Fund ang dagdag kontribusyon sa kanilang mga miyembro.
Base sa anunsyo ng Home Development Mutual Fund, mula sa kasalukuyang tig-P100 na binabayaran ng employer at ng mga manggagawa.
Magiging tig-P200 na o katumbas ng P400 ang buwanang kontribusyon sa Pag-IBIG Fund.
Tiniyak naman ng ahensya, na may malaking pakinabang ito sa mga mang-gagawa dahil bukod sa tataas ang kanilang maaring i-loan, ay mas lalaki rin ang halaga ng maiipon ng mga miyembro na makukuha sa oras na mag-retiro na sa trabaho.
Tags: Pag-IBIG Fund