Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, ipinatupad ng ilang kumpanya ng langis

by Radyo La Verdad | December 22, 2015 (Tuesday) | 1278

ITEM_PETRON
Nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw.

Piso at pitumput limang sentimo ang ibinawas ng Shell, Petron, Seaoil at Flying V sa presyo ng kada litro ng diesel habang piso at dalawampung sentimo naman sa bawat litro ng kerosene.

Nagrollback din ng kaparehong halaga sa diesel ang kumpanyang PTT Philippines at Phoenix Petroleum ngunit walang pagbabago sa presyo ng kanilang kerosene.

Samantala, tumaas naman ng sampung sentimo ang presyo ng kada litro ng gasolina ng Shell, Petron, Seaoil, Flying V, PTT Philippines at Phoenix Petroleum.

Tags: , , , ,