Dagdag-bawas sa presyo ng Petrolyo ipatutupad Ngayong Linggo

by Erika Endraca | December 16, 2019 (Monday) | 3818

METRO MANILA – Matapos ang ilang araw na roll back sa presyo ng produktong petrolyo, magpapatupad naman ng dagdag presyo ang ilang kumpanya ng langis.

Base sa abiso ng ilang oil company Ngayong Linggo, P0.30 – P0.40 ang itataas sa kada litro ng Diesel habang P0.50 – P0.60 naman sa Kerosene.

Samantala posible namang hindi gumalaw o di kaya ay mabawasan ng P0.10 ang halaga ng gasolina.

Tags: