Daanbantayan Mayor Vicente Loot, out of danger na matapos mabaril ang sarili – PNP chief

by Radyo La Verdad | May 31, 2018 (Thursday) | 2764

Ligtas na sa panganib si Daanbanatayan Cebu Mayor Vicente Loot matapos nitong aksidenteng mabaril ang kanyang sarili kagabi.

Ito ang sinabi ni PNP Chief PDG Oscar Albayalde matapos niyang kausapin ang Cebu provincial director tungkol sa insidente.

Ayon kay Albayalde, mismong si Loot ang nakabaril sa kanyang sarili nang aksidenteng pumutok ang nakakasang baril na nasa kanyang tabi. Ang baril ay pag-aari umano ng dating aid ni Loot.

Nakalagay ito sa SUV ng mga bodyguards nng mayor na kanyang sinakyan papunta sa isang lamay sa Brgy. Lanao Daanbantayan, Cebu.

Tumagos ang bala na tumama sa kaliwang hita ng mayor pero hindi naman tumama sa kaniyang buto.

Makalipas ang insidente, si Loot ay naisugod agad sa Daanbantayan District Hospital bago inilipat sa Cebu Doctors Hospital.

Ang insidente ay kasunod ng hindi matagumpay na pamamaril sa mayor at sa kanyang pamilya ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan noong ika-13 ng Mayo sa New Maya Port sa Daangbantayan, Cebu.

Tags: , ,